Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

Repleksyon ng Mensahe ng Butil na Kape

Para sa akin, ang mensahe ng butil na kape ay tungkol sa kung paano mo haharapin ang pagsubok sa buhay. Ipinapaliwanag dito ang iba't-ibang paraan ng pagtugon sa mga suliranin tulad ng nasabi sa akda tulad ng carrots na pinakuluan at lumambot, ang itlog na tumigas at ang butil ng kape na nagkaroon ng ibang bango at saysay. Ang carrot ay maihahalintulad sa isang tao na sinubok ngunit sa simula lang malakas at di nagtagal ay naging mahina at sumuko.At ang itlog naman ay parang yung ibang tao na sa una mabubuti ngunit pagkatapos subukin ay nagiging matigas ang mga puso sa pagpapatawad.  Samantalang, ang kape ay maihahalintulad sa taong iniharap mo sa maraming problema ngunit sa halip na maging mahina o kaya'y matigas ay nagabgo at nagkaroon ito ng karagdagang gamit o sangkap at mas natuto ito sa pagsubok na naranasan, mas nagiging mabuti kumpara sa una.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento