Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

Repleksyon ng Mensahe ng Butil na Kape

Para sa akin, ang mensahe ng butil na kape ay tungkol sa kung paano mo haharapin ang pagsubok sa buhay. Ipinapaliwanag dito ang iba't-ibang paraan ng pagtugon sa mga suliranin tulad ng nasabi sa akda tulad ng carrots na pinakuluan at lumambot, ang itlog na tumigas at ang butil ng kape na nagkaroon ng ibang bango at saysay. Ang carrot ay maihahalintulad sa isang tao na sinubok ngunit sa simula lang malakas at di nagtagal ay naging mahina at sumuko.At ang itlog naman ay parang yung ibang tao na sa una mabubuti ngunit pagkatapos subukin ay nagiging matigas ang mga puso sa pagpapatawad.  Samantalang, ang kape ay maihahalintulad sa taong iniharap mo sa maraming problema ngunit sa halip na maging mahina o kaya'y matigas ay nagabgo at nagkaroon ito ng karagdagang gamit o sangkap at mas natuto ito sa pagsubok na naranasan, mas nagiging mabuti kumpara sa una.

Buod ng Mensahe ng Butil na kape

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya.Sa pagkakataong iyon,tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina.Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila nakasalang na mga palayok, hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok."Sa tingin mo, ano ang maaaring manyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?"tanong ng ama."damhin mo ang mga ito,"hikayat ng ama."Ano ang iyong napuna?"ulong ng ama.Napansin ng anak ang carrot ay lumambot.Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. "higupin mo ang kape," utos ng ama. "Bakit po?" naguguluhang tanong ng anak Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proses ng carrot,itlog at butil na kape. Pareho-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Ang carrot sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigs matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito."Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak. Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig. Ang itlog ay nagpapaala na minsan may mga taong sa uns sy msy mabuting pusosubalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng salot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging katulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? kapunapuna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig. "kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog o butil ng kape?" tanong muli ng ama. Ngumiti ang anak, ksunod ang tugon 'ako ay magigng butil ng kape..." katulad mo mahal na ama.